NASH | 1995 | WMSU |
 
Kaiilurkey's
Home /Ask/ Archive
lagingpinapaasaa000:

strawberrytelle:

cuddling until we fall asleep

I miss you

lagingpinapaasaa000:

strawberrytelle:

cuddling until we fall asleep

I miss you

Day 13.

Monday! Our monthsary Actually wala talaga ako plano nito eh at di ko alam saan ko siya dadalhin nakakainis nga eh gusto ko pa naman siya supresahin kaso late na haha. Sa huli na naisipan na namin pumunta na ng Yexel’s Toy Museum tagal tagal na namin plano yun eh hahaha kasi want ko talaga punta dun sobrang excited ako nung sabi niya punta na lang tayo “Toy Museum na lang tayo ano?” Sobrang saya ko hahaha isip bata eh haha. Buti na lang alam niya papunta sa SM Southmall kasi andun daw banda yung Museum. Madali naman makapunta dun basta alam mo mga daanan hahaha. Buti na lang din may maganda akong tour guide eh :”) hehe. Nung nakita ko na ang Museum sobrang na excite lalo sabi ko pa “Eto na talaga pasok na tayo!” Haha. Pag pasok namin ang daming toys grabe! Babalik pag kabata mo pag andun ka hehe. May mga life style toys din. Ang dami nga namin mga pictures umabot ng 500 plus haha eh dalawa lang naman kami. May kasama kami tour guide at taga kuha samin ng litrato haha. 11+ ng umaga kami nakarating dun hanggang 2pm kami dun sa Toy Museum grabe unlimited daw eh kaya sinulit na namin. Atska may moment pa dun na habang tinitingnan namin ang toys Dumaan si Yexel at yung girlfriend niya si Mikee grabe na tunganga kami eh! Hahaha sayang nga papapicture sana kami kaso nagmamadali siya kaya move on na lang lels haha. After namin sinulit ang Toy Museum bumalik kami sa SM Southmall first time ko dun malaki din naman kahit papaano. Nagpahinga muna kami sa Food Court kasi so pagod sabi ko “Punta ako CR ha?” Pero yung totoo nun bibili ako ng rose hahaha suprise ko siya better late ng never haha. Hinahanap na niya ako tagal ko daw kasi pag dating ko sa food court grabe ang ganda niya :”) nung inabot ko na ang rose tunganga ako eh at lumaki ngiti niya hehe basta ganda niya eh parang di kami napagod sa museum hahaha. After namin magpahinga pumunta kami ng Tom’s World nglaro saglit at nag-enjoy kami dun sa isang arcade ang ganda nga eh cool sabi ko pa saknya “Dapat may ganito tayo sa bahay natin hahaha.” Tawa lang din siya. After namin sa arcade kumain kami sa Greenwich ang dami order kami lang naman dalawa haha. May moment dun na tinuturuan ko siya mag-Duling di marunong eh hahaha. Ang cute cute niya talaga After na namin kumain so much busog umuwi na kami with smiles on our face :”)

End

5 days ago with 1 note

Day 12.

Sunday April 13 so ayun next day monthsary namin hehe. Hapon na kami nagkita kasi sunday limitado ang oras hehe. After namin mag stay sa bahay kulit kulitan haha. Umalis na kami para kumain kasi after kumain mag church kami. Grabe ang init nung panahon na yun haha. Ang ganda niya tuwing naka collar style siya ang cute cute hehe. Bagay na bagay sakanya simple lang eh :”) Bumili kami ng Guitar Toy para sa cute niyang pamangkin hehe ang sarap lang sa feeling pag napapasaya yung bata na yun haha kilala na nga ako eh “Bibi Nana” ang tawag sakin how cute ^-^. So ayun after namin bumili ng toy bumili siya ng paspas? Para mablessed mga ilan oras kami sa chruch nagpapabili nga ako ng Bubble Gun yung may bubbles? hahaha kaso mahal sayang -.- siya din nagpapabili ng Grahams ba yun? Mahal din eh haha. After matapos ang pag bless umuwi na kami deretsyo. Yun lang ang day 11 ko haha

End :)

5 days ago with 1 note

Day 11.

Saturday April 12. I was so bored sa bahay super haha kaya sabi ko kay Beebee Kai punta kami SM Bf Parañaque date kami ih hehe. Nauna ako pumunta dun kasi gutom na din ako so kumain na pampalipas oras kasi maya maya pa daw dating niya. Hanggang matapos ako wala pa siya so linibot ko muna ang SM Bf haha medyo natagalan siya.Tumawag na siya sabay sundo sakanya hehe. Nagiisip pa nga kami kung saan kami punta eh so ayun nagdecide na kami sa SM Bf na lang. Picture picture din kami gamit ang Nikon dun ko na rin siya tinuruan gamitin yun so ayun naging photographer ko na hahaha. Habang nalilibot kami nagutom ang baby so kumain kami sa MCDO. Inorder niya yung bago sa MCDO yung BFF na malaki ang fries with monster float hahaha. Akala nga niya di namin mauubos yun pero wala eh fries kaya yun! haha. After kumain picture nanaman ang trip namin ng wala na kami magawa at di na alam saan pupunta umuwi na lang kami sa bahay ko at dun naubos ng oras hehehe.

End :)

5 days ago with 1 note

Day 10.

Saglit lang kami nabigyan ng time para magsama. Eto yung araw na umiyak nanaman siya sa harap ko ang hirap talaga ng feeling pag umiiyak yung taong mahal mo sa harap mo. Ang alam ko lang gusto ko gawin ay patahanin at pagandahin loob niya, Linabas niya lahat ng inis niya. Gusto na nga niya ako pauwiin kasi nahihirapan daw ako eh wala naman ako sinasabi kaya ko naman lahat kasi the end of the day makikita ko naman siya kahit na saglit lang :) Dami namin napagusapan at inayos at mga deals na gagawin namin haha. 

Bago siya umuwi kumain muna kami sa KFC kasi medyo gutom na din ako nun eh hahaha. Mga 2+ kami then mga 5+ na siya umuwi. So ayun lang ang day 10 ko.

END.

1 week ago with 1 note

Day 9.

The day na kukunin na namin ang padala galing sa ate at tita ko sa Saudi so pupunta kami ng airport. Maaga ako umalis ng bahay kasi kakain ako sa labas kasi wala pagkain sa bahay at tinatamad magsaing hahaha (aminado naman eh -__-) So pinabagal ko pa ang pagkain ko para maabutan ako ni Kai pero wala pa rin siya paano naman kasi nagpuyat pa ayan tuloy na late papunta sa school haba daw ng pila.After kumain pumunta na ako sa 7eleven kasi dun kami lagi nagkikita. Naghintay ako ng medyo matagal naman hahaha pero okay lang naman di naman ako nagalit eh siya kasi panay sorry. Nung nakarating na siya bumili kami ng makakain then alis na. Ilan jeep yung nasakyan namin papuntang airport dalawa ata? hahaha. 

Nakarating na kami ng airport at nakuha na padala pinakain pa kami ni Kuya at sobrang nabusog kami kala ko kasi gutom si Kuya pero ang inorder lang niya is Mango Juice kung alam ko lang na yung lang order niya ng noodles na lang ako haha same kami ng iniisip ni Kai sana ganun na lang daw inorder niya haha. After kumain ngpaalam na kami sa kanya at pumunta na ng SM Manila nagkatampuhan pa dun sa may train papunta SM Manila pero naging okay lang din agad hehe. Plano namin is mag Luneta kaso ang dami namin dala at ang init sobra. So naisip na lang namin mag SM Manila at kumain nanaman hahaha. Namiss namin ang Kebabers kaya ayun ang kinain namin hindi lang yun kinain din namin ang dala niyang baon kasi dapat sa Luneta kakainin yun. 

Habang patapos na kami may pinapirma samin yung Kebabers crew na parang survey si Kai ang sumagot tapos nung ngsusulat siya bigla ko siya ginulat “Ano yan!?” pabiro pero medyo nataasan boses ko ayun nagalit siya sakin nun kasi napahiya daw siya kaya wala kami imikan o pansinan mula LRT papunta sakayan ng jeep. May nakabungo pa nga sakanya na gulat ako syempre gusto ko nga awayin yung lalaki kasi iba kung makatingin pero pag patulan ko yun baka maging worst ang situation. Sorry baby. Tapos sakit pa ng ulo ko nun the whole day sabay bigat ng dala tapos tampuhan pa. Lalarga na yung jeep dun na kami medyo naging okay pansinan na naging sweet ulit hihi. Nang makababa na kami sa Sucat bago maghiwalay nagkaayos kami :) at habang ng cha-chat kami sa FB inexplain namin buong pangyayare bakit naging ganun. Okay na ulit kami :) Hindi dapat dinadaan sa hiwalayan ang mga di pagkaka-sundo dahil sa huli pagsisi-sihan mo yan ng sobra.

1 week ago with 1 note

  • Fact: Men are actually more emotionally affecdted by relationship troubles than women. They just do a better job of hiding it.

1 week ago with 124 notes

Day 8.

Wala kaming planong puntahan kasi dapat sana eto yung day na pupunta kami airport para kunin ang padala para sakin at punta Luneta. Kaso nagiba ang plano Thursday daw kasi ang dating ni kuya kaya ayun wala kami mapupuntahan haha. Dahil bored ako sa bahay pumunta na lang ako SM Bf Paranaque sabi ko kain lang ako dun tapos hintayin ko lang siya. Ang tagal ko nga dun eh natapos na lang ako lahat lahat kumain nanood pa pala siya ng Walking Dead medyo katampo pinaghintay ako eh sabi kasi ligo na lang daw siya pero nanonood pala hahaha pero okay lang. Nagkita na kami mg 1+ then naglibot kami sa SM Bf first time ko dun eh haha habang naglilibot picture picture din gamit yung kinuha namin kahapon tinuruan ko din siya paano gamitin ang Nikon hehe ayun nakuha naman niya agad :) Medyo nagutom na kumain kami sa MCDO yung malaking fires? Yung bago niya hahaha sulit naman kahit mahal haha with matching Monster Float busog naman. Nung wala na kami magawa medyo nabored na siya agad haha hindi ko talaga alam next gagawin sabi pa nga namin punta kami SM Southmall pero mauubusan daw ng time sabi din sa MOA na lang pero layo din edi ayun sa bahay na lang hahaha. Natulog nagFacebook at nagkulitan lang kami hanggang umuwi na siya mga 5+.

END.

1 week ago with 1 note

Day 7.

Sa wakas after ilan months nakuha ko na din ang mahal kong camera hehe. Regalo sakin ng ate ko yun nung graduation ko kaya importante sakin yun :) 

Bago nakuha ang camera ng eat muna kami sa bahay at nakatulog pa muna siya saglit. Inasikaso at inalagaan niya ko hehe sakit kasi puson -__- mga 12+ umalis kami ng bahay papunta Festival dun kasi makiki pagkita. Ilan oras pa kami nghintay dun kasi yung lalaki taga Laguna pa almost 3hours kami nghintay para di mainip nglibot kami ng naglibot hanggang ng arcade kami at nakasakay ng Bumpy Cars hahaha ang saya saya nun first time namin together gawin yun. Balak pa nga namin dalhin yung pamangkin niya na super cute pero sa susunod na lang daw hahaha. 3pm+ na kami nagkita nung lalaki at kumain pa ng KFC libre nung lalaki busog much kami hahaha. After kumain umuwi agad yung lalaki grabe ang high niya nagmamadali na ewan naka drugs kasi yun buti mabuti pa siya kausap haha. Then ayun deretsyo na rin kami uwi mga 5+ na nakarating ng bahay. 

END.

1 week ago with 1 note

Day 6.

Eto yung araw na nakuha na namin ang result ng kanyang test sa clinic. Thanks God at negative ang result sobrang nakaka-kaba  kasi di ko alam ano gagawin if may sakit siya ayaw ko bumalik sakit niya. After namin sa clinic dali dali kami pumunta sa SM Bicutan kasi kuhanan na ng grades nila buti na lang nakuha ng mga classmate niya so sa may Jollibee na lang kami nakipagkita sa mga classmate niya pinakilala pa nga ako eh haha. Then yun din sana ang day makukuha ko ang camera ko kaso talkshit eh kaya di natuloy di na tuloy namin alam gagawin so kumain na lang muna sa Burger King sa SM Bicutan haha. Linibot pa namin yun hanggang naisip ko mag MOA kami uuwi nga sana kami eh pero pabago bago isip naiinis na siya haha. So ayun mga 1+ nakarating sa MOA pumunta kami ng Seaside ngpicture picture kahit mainit haha. Sasakay kami sa rides una naisip namin yung Drop chuchu tapos sa Vikings nanaman pero ngiba nanamn nung nakita ko yung Dream Twister di kami sumakay agad kasi mainit pero nung mga 4:00pm na sumakay na kami. Back to back ang seats namin di daw kasi pwede tabi mabibigatan. So pag angat nung sakayan ang taas na tapos ako naman natutuwa si Kai sigaw ng sigaw eh natatawa lang ako kasi naalala ko yung ngRoller Coaster kami ganun din siya feel ko lumilipad ako sa ride na yun kaso nung malapit na matapos naririnig ko siya sumisigaw

"Tama na bee ayaw ko na!" hindi ko alam gagawin ko sinabi ko na lang na. "Relax lang bee lapit na matapos."

Nung natapos na ramdam ko iba na mood niya. Umupo kami sa may seaside ramdam ko takot niya totoo pala yung sigaw niya (bad ko noh?) Then ayun tumakbo ako papunta sa isang stall para bumili ng tubig pagbalik ko umiiyak na siya :( Wala kami imikan, kibuan o pansinan pero hawak ko kamay niya hanggang makarating sa sakayan ng FX papuntang Sucat. Di kami sumakay sa unang FX hinintay pa namin sa isa. Nung medyo okay na siya bumili kami ng makakain namin nagutom siguro siya. Kinakausap na niya ako kahit papaano. Nung nakasakay na kami sa FX napapaluha ako ewan ko bakit haha Hindi kami okay nun hanggang baba na ako sa lugar namin. Pero syempre di naman namin hahayaan yun so naging okay din kami kasi linabas namin lahat kaso sa fb nga lang hahaha.

END.

2 weeks ago with 2 notes

I’m so disappointed. Does anyone remember how Tumblr used to be? It was an escape. An escape from bullies, bitches, stress, hard times, family problems, ex-boyfriends, ex-girlfriends. What the fuck has it become? Just scrolling through my dashboard, I’ve seen at least 3 people being sent abuse and hate. Take a step back and think about who the fuck you are and what the fuck you are doing. That’s not what tumblr’s about. If you are against hate, then reblog this.

2 weeks ago with 115,054 notes